PALAISDAAN SA PANGASINAN, BINABANTAYAN SA MAAARING EPEKTO DAHIL SA MAINIT NA PANAHON

Mahigpit na binabantayan ng Provincial Agriculture Office sa lalawigan ng Pangasinan ang mga posibleng magiging epekto ng nararanasang init ng panahon lalong-lalo na sa mga palaisdaan dito.
Ito ay dahil patuloy na nararanasang sobrang init ng panahon maging sa lungsod ng Dagupan kung saan naitala ang pinakamataas na heat index sa buong bansa na pumalo sa 53 degrees Celsius.
Kilala ang lungsod na isa sa top producers ng bangus kaya ganun na lamang ang pag iingat nito. Gayundin ang nalalapit na pagselebra ng ‘Kalutan ed Dalan” na bahagi ng Bangus Festival Celebration ngayong taon.

Hindi umano maganda sa mga isda ang mataas na temperatura kaya’t isa sa kanilang binabantayan ang pag-iwas sa pagkakaroon ng massive mortality o fish kill dala ng init ng panahon at mataas na stocking density ng mga fishpond operator.
Ayon sa Provincial Agriculture Office, mayroong ideal range ng init ng panahon na kinakailangan ng isda para mas maganda ang paglaki ng mga ito sa fish cages.
Patuloy ang kanilang pagbibigay ng impormasyon at paalala sa mga mangingisda at fish pond operators na dapat maging maayos ang pamamalakad sa palaisdaan at bawasan ang stocking density. | ifmnews
Facebook Comments