England – Rume-Relationship goals ang isang couple sa Kent, England matapos na magpakitang-gilas sa kanilang ikalawang world record attempt.
Target nina Brits Chris at Lisa Pitman na hiranging “World’s Most Powerful Couple” sa pamamagitan ng pagwasak sa mga pine boards gamit lang ang isang kamay.
Nagsilbing audience ng dalawa ang mga estudyante mula sa martial arts school na virtue taekwondo.
Sa loob lang ng isang minuto, 315 pine boards ang nawasak ni Chris habang 230 naman ang kay Lisa.
Anila, masarap daw kasi sa pakiramdam na pareho silang title holder.
Nauna na nilang nasungkit ang record para sa “fastest time to break 1,000 roof tiles” na nagawa ni chris sa loob lang ng 51.08 seconds habang natapos ito ni lisa sa loob ng 83.98 seconds!
Facebook Comments