PALAKIHIN | Ninoy Aqunio International Airport, iminungkahing palakihin

Manila, Philippines – Nakatanggap pa ng isang proposal ang gobyerno para palakihin pa ang Ninoy Aquino International Airport.

Base sa project proposal ng GMR-Megawide na gumagawa rin ng Mactan Cebu International Airport, mula sa 350,000 square meters, magiging 700 square meters ang masasaklaw ng mga terminal.

Target ring nilang maging 72 milyong mga pasahero ang ma-accomodate sa NAIA na mula sa 31 milyong pasahero na kapasidad.


Magdadagdag din ng taxiway at palalawakin ang mga runway.

Maliban rito, mula sa 730 na paglipad at paglapag ng eroplano kada araw, target na maging hanggang 1,000 ang kapasidad ng plane takeoff at landing.

Ang proyekto ay tinatayang nagkakahalaga ng P150 bilyon.

Facebook Comments