PALALABASIN NA | 25 pinoy na nakakulong sa Qatar, palalayain na

Qatar – Dalawampu’t limang Pilipinong nakakulong sa Qatar ang palalayain ng gobyerno nito bilang bahagi ng Eid’l Fitr celebration.

Sa isang interview, sinabi ni Dole Secretary Silvestro Bello III na hindi pangkaraniwan ang naging desisyon ng Qatari government dahil kadalsan, isa o hanggang tatlo lang ang kanilang pinapalaya.

Malilipat ang mga nakadetineng Pinoy sa kustodiya ng Pilipinas sa Lunes, June 18.


Aakuin naman daw ng gobyerno ang gagastusin sa repatriation ng mga Pilipino.

Bibigyan din sila trabaho o tulong-pinansiyal para makapagsimula silang muli.

Facebook Comments