PALALAKASIN | Health centers sa lungsod ng Maynila, palalakasin ng Manila Health Department

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Manila Health Department na kailangan palakasin ang ipinagkakaloob na serbisyong medical sa mga health center sa lungsod ng Maynila upang hindi na kailangan pang magtungo ng mga pasyente sa mga ospital.

Ayon kay Manila Health Department OIC Dr. Ailen Lacsamana Madalas na nangyayari ay agad na dumidiretso sa mga ospital pasyente at nababalewala ang mga health centers.

Mag-iikot din si Lacsamana sa iba’t-ibang health centers upang malaman ang kani-kanilang mga kakulangan sa gamot kabilang na ang manpower partikular na sa mga depressed areas upang malaman kung may mga may sakit na hindi nabibigyan ng gamot dahil na rin sa kakulangan ng panggastos upang magpagamot.


Paliwanag ni Lacsamana na dapat na panatilihin aniya ng bawat Manilenyo ang maayos na kalusugan dahil ito ay puhunan sa isang maayos na pamumuhay.

Facebook Comments