Manila, Philippines – Inaprubahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang restructuring ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Layunin nitong madagdagan ang police visibility at matiyak ang seguridad sa Metro Manila. Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman, Executive Officer Rogelio Casurao – naglabas na sila ng resolusyon kung saan magtatatag ng dalawang bagong dibisyon sa NCRPO. Ito ay ang Regional Learning and Doctrine Development Division kung saan nakatuon sa pagsasanay ng mga metro Manila Police Personnel at nakatutok sa implementation at application ng police doctrines. Ang Regional Plans and Strategy Management Division ay nakatutok sa PNP Performance Governance System (PGS) at iba pang strategic programs. Bukod dito, ang dating public safety battalion ng NCRPO ay tatawagin ng mobile force battalion. Ang regional police community relations division ay pinalitan ng Regional Community Affairs and Development Division.
PALALAKASIN PA | Restructuring ng NCRPO, inaprubahan ng NAPOLCOM
Facebook Comments