PALALAKASIN PA | Ugnayang pangekonomiya ng Pilipinas at China, mas pinalalim pa – DBM

Manila, Philippines – Palalakasin pa ng Pilipinas ang ugnayang pangekonomiya nito sa China.

Ito ang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno matapos ang kanilang bilateral meeting nitong nakalipas na araw kasama ang Chinese Ministry of Commerce na pinangungunahan ni Minister Zhong Shan para pag-usapan ang economic at trade relations ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Diokno, napagkasunduan sa bilateral meeting ang pagpapaigting pa ng ugnayan ng Pilipinas sa larangan ng komersiyo at infrastructure development.


Nagbigay din aniya ng update ang Philippine delegation sa China patungkol sa mga infrastructure projects na pinopondohan ng China at ang iba pang proyekto kung saan tutulong ang China.

Tiniyak din aniya nila sa mga Chinese officials na matatapos sa oras ang mga priority projects ng pamahalaan sa ilalim ng build-build-build program.

Bukod kay Diokno ay kasama nito sina finance secretary carlos Dominguez, Socio Economic Secretary Ernesto Pernia, Public Works Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon.

Facebook Comments