Manila, Philippines – Nakalusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Philippine HIV and Aids Policy Act.
Layon ng panukala na palakasin ang kampanya at polisiya ng gobyerno laban sa paglaganap ng HIV/AIDS.
Unanimous ang naging botohan para sa third reading ng House Bill 6617 kung saan nire-repeal at papalit sa Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998.
Sa ilalim nito, inire-reconstitute at ini-streamline ang Philippine National Aids Council o PNAC para mas maging epektibo ito sa pagtugon sa problema sa HIV/AIDS epidemic.
Itinatakda ng panukala ang paglalatag ng anim na taong national multi-sectoral HIV and AIDS strategic plan o aids medium-term plan.
Pinaiigting din ang mga education program para mabigyan ng mas kumprehensibong impormasyon ang publiko tungkol sa HIV/AIDS at iba pang sexually transmitted disease.
Isinusulong din dito ang pangangalaga sa karapatan ng HIV/AIDS victims para hindi lumala ang stigma ng sakit na ito.