Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang intelligence operations ng militar bilang panlaban sa banta ng terorismo at rebelyon.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang ‘timely’ at ‘accurate’ na intelligence information para maprotektahan ang bansa mula sa mga kalaban ng estado.
Pinuri rin ng Pangulo ang mga sundalo sa pag-‘neutralize’ sa mga high value communist at terrorist.
Nangako rin ang punong ehekutibo na patuloy ang kanyang buong suporta sa militar mula sa pagpapatupad ng modernization program at pagpapalawak ng benepisyo sa mga sundalo.
Facebook Comments