Sinimulan na ng Duterte administration ang pagpapalawak ng airport sa Ozamis City, Misamis Occidental.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremony sa paliparan kasama sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Mindanao Development Authority (MINDA) Secretary Datu Abul Khayr Alonto, DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo at CAAP Director General Jim Sydiongco.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, layun ng proyekto na mapagaan ang buhay ng mga Pilipino tulad ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahan na mas maraming pasahero at cargo na ang maa-accommodate kapag natapos na ang airport.
Dati kasi 300,000 passenger lang kada taon ang kapasidad ng airport pero kapag natapos ang proyekto aabot na ito sa 1.5 milyon passenger.
Tiniyak naman ni CAAP Director General Jim Sydiongco, walang corruption sa nasabing proyekto na may pondong 637 milyong piso.