Manila, Philippines – Suportado ng samahan ng mga employer ang panukalang maternity leave extension sa Pilipinas. Ito ang siniguro ni bagong henerasyon Party List Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairperson ng women and gender equality sa Kamara. Base sa isinusulong na bill, gagawing 100 days ang paid leave ng mga bagong panganak mula sa dating 60 days lang. Maari pa itong dagdagan ng 30 days pero wala ng bayad. Sa pamamagitan daw kasi nito, makakasunod ang Pilipinas sa standards ng IMF o International Monetary Fund dahil mas nagiging productive sa trabaho ang mga ina kung kumpleto ang kanilang nagiging recovery pagkatapos manganak. Yun nga lang, aminado si Dy na malabong maipasa pa ito ngayon sa Kongreso dahil apat na araw na lang ang natitirang working days bago ang Holy Week break.
PALALAWIGIN | Samahan ng mga employer sa bansa, suportado ang panukalang Expanded Maternity Leave
Facebook Comments