Manila, Philippines – Muling nanawagan si Senador Sonny Angara sa Kamara na aprubahan ang expanded maternity leave bill.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month.
Layunin ng panukala o Senate Bill 1305, na pahabain ang bilang ng araw ng paid maternity leave mula sa kasalukuyang 60 ay gagawing 120.
Ayon kay Angara, makakatulong ang mahabang maternity leave para mabigyan ng panahon ang mga ina na alagaan ang kanilang bagong silang na sanggol at matiyak ang wastong nutrisyon para rito.
Matatandaang nitong Marso 2017 pa lumusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukala pero ang counterpart bill nito sa Kamara o House Bill 4113 ay nakabinbin sa second reading approval mula pa noong Enero 2017.
Facebook Comments