Palasyo, aminadong hirap makamit ang zero COVID-19 case

Inamin mismo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na mahihirapang makamit ang zero COVID-19 cases sa bansa.

Reaksyon ito ni Roque sa mga lumabas na ulat na wala nang naitatalang kaso ng COVID-19 sa New Zealand, magmula pa noong katapusan ng Pebrero.

Sinabi ni Roque na medyo mahirap itong makamit sa Pilipinas dahil kung ikukumpara sa New Zealand ang bansa, ang land area nito ay kasing laki ng Luzon na mayroong lamang limang milyong populasyon.


Paliwanang pa ng kalihim, sa Metro Manila ay nasa apatnapung milyon na ang populasyon kung kaya’t dikit-dikit ang mga tao dahilan kung bakit mabilis kumalat ang nakamamatay na sakit.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, umakyat na sa 23,732 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan nasa 4,895 ang nakarekober habang 1,027 na ang naitalang nasawi.

Facebook Comments