Palasyo, aminadong may kapabayaan matapos ang Jolo twin bombing

Aminado ang Malacañang na nagkaroon ng kapabayaan kaya nangyari ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kabila kasi ng umiiral na martial law sa Mindanao at activation ng 11th Infantry Division sa Jolo, Sulu, nakapuslit pa rin ang mga kalaban at naghasik ng terorismo sa lugar.

Gayunman, hindi pa aniya nila masabi kung mayroong opisyal na dapat managot sa pangyayari.


Aniya, gusto muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang iniutos nitong malalimang imbestigasyon.

Una nang inatasan ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tiyakin na ligtas ang mga taga Mindanao at agad na tugunan ang pangangailangan ng mga nabiktima ng pagsabog.

Facebook Comments