Aminado ang Malacañang na may pagkukulang sa paghawak ng Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ito ay kasunod ng mga ulat na nagsisiksikan na ang mga LSI sa Rizal Memorial Sports Complex kung saan nila hinihintay ang kanilang masasakyan pauwi sa kanilang probinsya.
Sinabi ni Roque na plano ng pamahalaan na ihiwalay ang mga LSI kada rehiyon kung saan sila pauwi para maiwasan silang magsiksikan sa isang lugar.
Nabatid na inulan ng batikos ang Hatid Tulong Program ng pamahalaan matapos kumalat ang mga litrato na hindi nasusunod ang social distancing sa loob ng Rizal Stadium.
Pero iginiit ni Hatid Tulong Lead Convenor Joseph Encabo na kailangan nilang bigyan ng matutuluyan ang mga LSI at maprotektahan ang mga ito sa ulan at mainit na panahon.
Facebook Comments