Palasyo at OSG, no comment muna sa pagbasura ng SC sa ilang probisyon ng Anti-Terrorism Act

Pag-aaralan muna ng Palasyo at Office of Solicitor General (OSG) ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman hinggil sa pagdedeklara bilang constitutional ng Anti-Terrorism Act, maliban sa 2 probisyon na deklaradong unconstitutional.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles hanggat hindi pa sila nakakukuha ng kopya ng desisyon ng Supreme Court ay hindi muna sila maglalabas ng kumento.

Ani Nograles, sa sandaling mabusisi na ito ng Palasyo at OSG ay tsaka sila magkokonsidera ang susunod na hakbang.


Binigyang diin pa nito na ang Republic Act 11479 o Anti-terrorism Act ay patunay lamang na seryosong tinutugunan ng pamahalaam ang problema sa terorismo at upang isulong ang rule of law sa bansa.

Facebook Comments