Palasyo, binanatan si Sen. De Lima matapos sabihing nabenta na ang tatlong isla ng bansa sa China

Pawang bahagi lamang ng imahinasyon ni Senator Leila de Lima ang pabenta ng ilang isla ng bansa sa China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga dayuhan ay bawal bumili ng lupa sa bansa.

Sa ilalim ng Konstitusyon, tanging mga Pilipino lamang ang may karapatan na bumili ng sariling lupa sa bansa.


Bago ito, ipinananawagan ni De Lima na magsagawa ng pagdinig hinggil sa kwestyunableng development sa tatlong isla na isinasagawa ng Chinese companies.

Sabi ng senadora na nais ng Chinese investors na gawin ang Fuga island sa Cagayan at ang Grande at Chiquita islands sa Subic Bay na gawing economic at tourist zones.

Giit ni De Lima na ang anumang panghihimasok sa teritoryo sa bansa ay hindi dapat binabalewala at agad na maaksyunan.

Facebook Comments