Palasyo, binigyan ng pasadong marka ang DSWD sa pamamahagi ng SAP

Binigyan ng Malacañang ng pasadong grado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng COVID-19 emergency cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakita nilang nagagawa ng Kagawaran ang maayos na distribusyon ng ayuda sa kabila ng mga pagkakaantala bunga ng pagberipika sa mga benepisyaryo.

Pagtitiyak ni Roque sa publiko na ang susunod na round ng SAP aid releases ay mas magiging mabilis sa pamamagitan ng mga partner na Financial Service Providers (FSPs).


Sa huling datos ng DSWD, aabot na sa 13.2 million beneficiaries ang nakatanggap ng SAP 2 cash aid.

Facebook Comments