
Bukas ang Malacañang na suportahan ang panukalang batas na layong higpitan ang paggamit ng internet ng mga kabataan.
Kasunod ito ng inihaing panukala ni Senador Ping Lacson na i-regulate ang internet access ng minors dahil sa epekto nito sa mental health batay sa mga pag-aaral.
Binanggit sa panukalang batas ang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), kung saan ang mga kabataan ay madaling biktima ng cyberbullying, online harassment, at pressure tungkol sa kanilang imahe o itsura.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, anumang hakbang na makabubuti sa kapakanan ng publiko ay handang suportahan ng administrasyon.
Lalo na aniya kung mapapatunayang makakatulong ito sa mental well-being ng mga kabataan.
Facebook Comments









