Palasyo, bukas sa muling paggamit ng Dengvaxia

Bukas ang Malacañan sa muling paggamit ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ito ay sa gitna na rin ng lumolobong kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, laging bukas ang gobyerno sa kahit anong bagay na mapapakinabangan ng mga Pilipino.


Pero dapat aniya’y dumaan ito sa masusing pag-aaral at diskusyon.

Kailangan ng mga eksperto na susuporta sa panawagan na maibalik ang Dengvaxia.

Matatandaang nanawagan si dating Health Secretary Janette Garin sa gobyerno na makinig sa mga tunay na eksperto at bigyang access ang publiko sa mga bakuna.

Facebook Comments