Kinontra ng Malacañan ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na isinasantabi ng Duterte administration ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea para isulong ang exploration deal kasama ang China.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang nais ipunto ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mas pagtutuunan muna niya ang exploration na mas mapapakinabangan ng mga tao habang patuloy ang negosasyon ng Pilipinas sa China.
Aniya, naghahanap lamang ng butas si Robredo laban sa Pangulo.
Dapat aniya mag-ingat si Robredo sa paglalabas ng mga pahayag nito at gamitin ang kanyang instinct bilang isang abogado at ina.
Naiintindihan din sana ng bise presidente ang ‘complex’ relations ng Pilipinas at China sa usapin ng teritoryo.