Palasyo, bumwelta sa mga kritiko at sinabing hindi sila natutulog sa pansitan

Aminado ang Palasyo na hindi perpekto ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19.

Pero lahat aniya sila sa gabinete at sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ay nag-iisip ng paraan kung paano mas mapagbubuti pa ang COVID-19 response.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, araw-araw nilang pinag -iisapan kung anu-ano pa ang maaaring gawin upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.


Reaksyon ito ni Roque sa banat ni Senator Risa Hontiveros makaraang maitala ang record high single day increase sa COVID-19 cases sa bansa kamakalawa at sinabing magsilbi itong wake-up call sa gobyerno para rebisahin ang kanilang stratehiya sa pagtugon sa pandemya.

Paliwanag pa ng kalihim, hindi sila natutulog sa pansitan at lahat sila ay kumikilos at nag- iisip.

Dagdag pa nito, ngayong panahon ng pandemya dapat nagkakaisa ang lahat at isantabi muna ang pamumulitika.

Facebook Comments