Palasyo, dapat bumalangkas ng bersyon ng security of tenure bill na nais nitong aprubahan ng Kongreso

Manila, Philippines – Isa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa mga nalungkot at nadismaya sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa security of tenure bill.

Bunsod nito ay nananawagan ngayon si Zubiri sa Malakanyang na bumalangkas ng bersyon ng security of tenure bill na nais nitong aprubahan ng Kongreso.

Naniniwala si Zubiri na garantisadong hindi na mabi-veto at lalagdaan ni Pangulong Duterte kapag nanggaling sa kanya o sa gabinete niya ang balangkas ng panukala na ipapasa ng Kongreso.


Ang security of tenure bill ay muling inihain ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang layuning matuldukan na ang endo o kontraktwalisasyon.

Umaasa si Zubiri, na sa pagkakataong ito ay malilinaw ng Malakanyang sa Kongreso ang mga probisyon na dahilan ng pag-veto ng Pangulo para matiyak na ang pagsasabatas ng panukala para mapapakinabangan ng mga manggagawa.

Facebook Comments