
Hindi natitinag ang Malacañan sa isasagawang tigil-pasada ngayong araw ng mga transport groups.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – matagal na dapat isinagawa ang modernization sa public transport system sa bansa.
Giit niya, isa sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PUV modernization.
Pero sinabi ni Panelo na malaya ang mga driver at operator na ihayag ang kanilang saloobin.
Nagpaalala ang Palasyo sa mga ito na panatilihing maayos at mapayapa ang gagawing protesta.
Inatasan na rin ng Palasyo ang mga kaukulang ahensya na maghanda ng joint quick response teams para tulungan ang mga pasaherong maapektuhan ng tranport strike.
Facebook Comments









