Localized lockdown na lamang ang mayroon ngayon sa China at hindi na nagpapatupad ng malawakang lockdown.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kung kayat kabilang ang China sa mga bansang nasa Green List.
Samantala, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang updated Red, Green, and Yellow List epektibo mula November 1 – November 15, 2021.
Ang Latvia lamang ang pasok sa Red List.
Habang pasok sa Green List ang Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Chad, China (Mainland), Comoros, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.
Ang mga hindi naman nabanggit na bansa ay pasok sa Yellow List.