Karapatan ng taumbayan na malaman kung sino talaga ang nagwagi sa 2016 Vice Presidential race.
Tugon ito ng Palasyo sa tila pag-back up ng Office of the Solicitor General (OSG) sa inihaing motion to inhibit ni dating Senator Bongbong Marcos kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa pagdinig ng election protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.
Paliwanag ni Roque, ang OSG ang counsel ng Republika ng Pilipinas at kaya ito inihain ng OSG ay dahil sa interes ng taumbayan na malaman kung sino ang nagwagi sa pagka-Bise Presidente.
Samantala, nang tanungin ang kalihim kung may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahain ng OSG ng mosyon sa Supreme Court, giit ni Roque na hindi naman nang ma-micro manage ang Pangulo.
Matatandaang kahapon naghain si Marcos ng mosyon sa SC para mag-inhibit si Justice Leonen sa nasabing election protest at makalipas ang ilang oras ay naghain din ng kaparehong mosyon si OSG Jose Calida.