Walang nakikitang mali ang Malacañang sa pag-ere ng pulong ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa isang government media stations.
Depensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kino-cover ng People’s Television Network (PTV-4) ang mga events na dinadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ang alam ko po, whenever it’s news worthy, it’s covered kasi kung hindi po ma-ii-scoop naman sila. PTV is still a news agency,” ani Roque.
“And of course, another example of a news worthy event is the interment of the former Philippine President that was also covered live by PTV 4,” dagdag ng Palace official.
Si Pangulong Duterte, bilang chairperson ng PDP-Laban ay nakipagpulong sa kanyang mga kapartido para pag-usapan ang mga plano sa nalalapit na eleksyon at ang posibleng pagtakbo sa pagka-bise presidente.