Palasyo, dudang tutulong ang Amerika sa Pilipinas kapag lumala ang tensyon sa WPS

Duda ng Malacañang kung makakaasa ang Pilipinas sa Estados Unidos sakaling lumala ang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang itinulong ang Estados Unidos sa Pilipinas nang mawala ang kontrol ng bansa sa dalawang isla.

Ang kawalan ng aksyon ng US ang dahilan para mawala sa Pilipinas ang Mischief Reef at ang Panatag Shoal noong Aquino Administration noong 2012.


Umatras ang Pilipinas sa Panatag shoal nang magkaroon ng standoff dahil sa pinayuhan sila ng US pero dito nagmatigas ang China at nanatili sa lugar.

Matatandaang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Josel Manuel Romualdez na ang US ay “one call away” kapag nangailangan ang Pilipinas ng tulong lalo na sa pag-aalis ng mga barko ng China sa mga karagatang inaangkin ng bansa.

Facebook Comments