Nagpaliwanag ang Palasyo sa tila walang katapusang pagbanat nila sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sumasagot lamang ang Palasyo sa mga banat ng mga taga-oposisyon.
Ani Roque, hindi naman makapapayag ang Malacañang na manahimik na lamang at hayaang paniwalaan ng publiko ang aniya’y kasinungalingang paratang ng mga kritiko ng administrasyon tulad nila retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at Vice President Leni Robredo.
Sinabi pa ng kalihim na nais lamang nilang sumagot sa mga batikos base sa kasaysayan at katotohanan.
Kasunod nito, aminado ang kalihim na dapat isantabi na ang pamumulitika at bangayan lalo na ngayong nasa gitna tayo ng laban kontra COVID-19 pandemic.