Walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa hatol na ‘guilty’ sa kasong cyber libel ng Manila Regional Trial Court Branch 46 laban kina ni Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer nito na si Reynaldo Santos Jr.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala sa bokabularyo ng Pangulo na maghain ng kahit anong kasong libel laban sa kahit kaninong kinabubwisitang peryodista.
Aniya, naniniwala ang Pangulo na kinakailangan na hinaharap ang anumang pagpula ng taong bayan lalo na kung ito ay nangagaling sa mga mamamahayag o media.
Sabi pa ni Roque, hindi pa naman agad makukulong si Ressa dahil maaari niya pang iapela sa Court of Appeals (CA) ang naging hatol laban sa kaniya.
Facebook Comments