Palasyo, dumistansiya sa inilunsad na “Duterte Pa Rin Movement”

138

Dumistansya ang Malacañang sa inilunsad na “Duterte Pa Rin Movement” para isulong ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential elections.

Ito ay matapos matukoy na ang secretary-general ng “Duterte Pa Rin Movement” ay dating opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Juniño “Bonito” Padilla.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dating opisyal si Padilla at isa na itong pribadong indibidwal kaya hindi dapat iugnay ang Malacañang dito.

Aniya, iginagalang nila ang paninindigan ng marami na gustong maging susunod na presidente ang panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments