
Tumangging magkomento ang Palasyo sa isyu ng pagiging miyembro ng board of directors ng asawa ni Senator Rodante Marcoleta sa isa sa insurance company na nagbibigay ng bond coverage sa kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Discaya.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na ipinauubaya na niya ito kay Senador Marcoleta.
Hindi raw niya alam ang lalim ng koneksiyon at mas mainam na ang mambabatas na ang sumagot sa isyu.
Naging usap-usapan ang posibleng conflict of interest umano ni Marcoleta na miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee na siyang nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects na dawit ang mga kumpanya ng Discaya.
Facebook Comments









