Palasyo, dumistansya sa bantang impeachment laban kay Robredo

Dumistansya ang Malacañan sa mga ulat na posibleng ma-impeach si Vice President Leni Robredo.

Ito ay dahil sa pagsuporta ng bise presidente sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Atty. Manuelito Luna ay isang betrayal of public trust.

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – napakaraming problema ng bansa para intindihin pa ito.


Aniya, bahala na ang mga taong nais magsulong ng impeachment laban kay Robredo.

Una nang sinabi ng kampo ni Robredo na hindi sila natatakot sa bantang impeachment dahil alam nitong wala siyang ginagawang mali.

Facebook Comments