Palasyo, dumistansya sa desisyon ng COMELEC na parusahan ang mga kandidatong hindi sisipot sa mga debate

Dumistansiya ang Malacañang sa pasya ng Commission on Elections (COMELEC) na parusahan ang mga kandidatong hindi lalahok sa kanilang inorganisang debate para sa 2022 election.

Ayon kay acting Presidential Spokesman Martin Andanar, ang COMELEC ay isang independent body ng gobyerno at hindi saklaw ng Ehekitubo ang mandato at panloob na desisyon nito.

Aniya, hindi makikialam ang Malacañang sa anumang napagpasyahan ng COMELEC laban sa mga kandidatong hindi sisipot sa inorganisang debate.


Giit pa ni Andanar, nasa kamay na ng COMELEC kung ano ang gagawin nila sa mga kandidatong hindi sisipot sa debate dahil sila ang may direktang kontrol sa mga ito.

Nauna nang nagbabala ang COMELEC sa mga kandidato na hindi dadalo sa mga debate na hindi sila papagayang makagamit ng kanilang electronic rally o e-rally platform.

Ang e-rally ay platform ng COMELEC kung saan ipapalabas sa kanilang website ang mga livestreaming sa kampanya ng mga kandidato.

Facebook Comments