Palasyo: Exploration at development ng petroleum at coal sa BARMM, opisyal nang binuksan sa mga aplikante

Pinirmahan ngayong araw sa Malakanyang ng Department of Energy at Ministry of Environment, Natural Resources and Energy o MENRE ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang intergovernmental energy board circular para sa joint award of petroleum service contracts and coal operating contracts sa BARMM.

Ang pagpirma ay sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang circular ay nagbibigay otorisasyon sa probisyon ng Republic Act 11054 o Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region na magkatuwang na magbigay ng karapatan, prebelihiyo, at concessions para sa exploration, development at utilization ng uranium at fossil fuels katulad ng petroleum, natural gas at coal sa loob ng teritoryo ng Bangsamoro.


Sa pamamagitan nito ay inaasahang lalago ang sektor ng enerhiya at makapaghihikayat ng foreign investments sa rehiyon.

Sa oras na maipatupad ang circular, magsisimula na ang proseso ng aplikasyon para sa petroleum service contracts at coal operating contracts sa BARMM.

Para sa petroleum contracts, ang aplikante ay maaring local o foreign individual company o group of companies na bumubuo ng joint venture o consortium, organize o authorized para sa petroleum exploration and development.

Habang para naman sa coal contracts, ang aplikante ay dapat korporasyon o partnership sa at least 60% Filipino owned capital at rehistrado sa Securities and Exchange Commission, o kooperatiba na otorisado sa exploration at development ng coal.

Facebook Comments