Palasyo, hangad ang agarang paggaling sa COVID-19 ni “Yorme”

Sa kabila ng tensyon sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte at Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno, hangad ng Palasyo ang paggaling ng alkalde.

Nabatid na tinamaan ng COVID-19 si Yorme kahit pa ito ay bakunado na.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tiyak na moderate o mild lamang ang kaso ng alkalde dahil ito ay bakunado na at ang pagpapa-ospital nito ay precaution lamang upang hindi na kumalat pa ang sakit.


Una nang sinabi ni Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla na nakararanas si Yorme ngayon ng mild symptoms ng COVID-19 tulad ng “mild cold and coughs.”

Nabatid na positibo rin sa COVID-19 si Manila City Vice Mayor Honey Lacuna.

Facebook Comments