Palasyo, hinahayaan na ang LGU na magdesisyon sa liquor ban

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa mga Local Government Units (LGU) kung i-lilift o ipagpapatuloy nila ang liquor ban sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque bahala na ang LGU sa usaping ito

Matatandaang umapela ang ilang major liquor makers sa bansa na tanggalin na ang total ban sa alcoholic beverages ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.


Sa liham ng Center for Alcohol Research and Development Foundation Inc. sa DTI hiniling nila na i-lift na ang ban dahil ramdam na ng alcohol beverage industry ang dagok ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa kanilang sektor

Nabatid na ang Manila, Mandaluyong, Quezon City, Muntinlupa at La Union province ang nagpapatupad ng total ban on alcoholic beverages ngayong umiiral ang ECQ.

Facebook Comments