Palasyo hinamon ang mga talunang bidder ng Sangley International Airport Project na mag-labas ng ebidensya at maghain ng reklamo laban sa pinaborang Chinese company

Siniguro ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na laging bukas ang pamahalaan para sa mga nais maghain ng anumang reklamong may kaugnayan sa anomalya at korapsyon.

Ang pahayag ni Panelo ay bunsod ng pagpabor umano ng gobyerno sa kontrata sa $10-billion Sangley Point International Airport sa China.

Base sa mga ulat, minadali ang selection process dahilan para mai-award ang kontrata sa state-run China Communications Construction Co.


Ayon kay Panelo posibleng nakatugon agad ang naturang Chinese company kaya dito iginawad ang kontrata para sa pagtatayo ng Sangley Point International Airport sa Cavite na layuning idecongest ang Ninoy Aquino international airport

Kasunod nito nanawagan si Panelo sa iba pang bidders na umano’y dinaya at hindi nabigyan ng pagkakataon na maglabas ng ebidensya at mag-reklamo

Facebook Comments