Palasyo, hinamon si Justice Carpio na maghain ng kaso ukol sa mga umano’y illegal WPS policies ni Pangulong Duterte

Dapat gumawa ng aksyon si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio kung sa tingin niya ay may nilabag si Pangulong Rodrigo Duterte na batas hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat itigil ni Carpio ang mga patutsada nito at sa halip ay dahil ito sa korte.

Muling iginiit ni Roque na patuloy na itinataguyod ni Pangulong Duterte ang pambansang interes sa West Philippine Sea.


Matatandaang sinabi ni Carpio na may ilang polisiya si Pangulong Duterte na ilegal at iresponsable.

Dito naghamon si Pangulong Duterte kay Carpio ng debate patungkol sa mga isyu sa West Philippine Sea, kabilang ang pag-alis ng mga barko ng Pilipinas sa Panatag Shoal noong 2012 at ang 2016 Arbtral Ruling.

Kinumpirma naman mismo ni Carpio na kakasa siya sa hamon ng Pangulo.

Facebook Comments