Palasyo hindi makikialam sa imbestigasyon ng Ombudsman kay PAO chief Acosta

Manila, Philippines – Hindi panghihimasukan ng Palasyo ng Malakanyang ang isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta.

Ito ay makaraang hilingin ng grupo ng mga abugado sa Ombudsman na imbestigahan si Acosta pati si Forensics Expert Dr. Erwin Erfe dahil sa umano’y isyu ng katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, hindi ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte na manghimasok sa imbestigasyon ng anumang constitutional body o anumang sangay ng pamahalaan.


Ipinauubaya na rin nito kay Acosto kung ito ba ay magle-leave of absence habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanya.

Kasunod nito sinabi ni Panelo na nananatili pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Acosta.

Matatandaang inakusahan sina Acosta at Erfe na ginagamit umano ang Dengvaxia controversy para makapag-overstock ng office supplies at para magkamali ng pondo.

Facebook Comments