Nairita ang Palasyo sa tila agaw eksena ni Vice President Leni Robredo noong manalasa ang Typhoon Ulysses.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque pinalalabas kasi ni Robredo na siya ang in-charge sa typhoon response na kung tutuusin ay bago pa man manalasa ang Bagyong Ulysses ay naka-preposisyon na ang lahat ng resources.
Sinabi pa ni Roque na na-misinformed ang publiko dahil parang si VP Leni ang nakatoka sa relief efforts ng pamahalaan na mariing pinabulaanan ng Palasyo.
Mali rin aniyang hanapin nya ang Pangulo noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses dahil alam naman nitong lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN summit.
Pero matapos itong magbigay ng kanyang mensahe sa ASEAN summit, ay agad naman itong nagsagawa ng aerial inspection at kalaunay relief operations.
Matatandaang kagabi sa talumpati ng Presidente, hindi nito naiwasang birahin at banatan si Robredo dahil sa pagiging dishonest o pagiging sinungaling nito at sa pagdi-discredit sa Pangulo.