Palasyo hindi pa matantya kung maaari nang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila

Masyado pang maaga para masabi kung mananatili sa Alert Level 4 o ibababa na sa Alert Level 3 ang Metro Manila sa pagsapit ng Oktubre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, katatapos lamang ng isang linggong pilot implementation ng Alert Level system sa kalakhang Maynila at mas mainam na hintayin na lamang na matapos ang ikalawang linggo ng pagpapatupad nito.

Sinabi ni Roque na kailangang makita muna ang epekto ng 2 linggong Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) at hayaan munang mapag-aralan ito ng mga eksperto.


Paliwanag ng kalihim ang Department of Health (DOH) ang s’yang magdedesisyon kung kailangang palawigin pa ang Alert Level 4 sa Metro Manila o kung puwede na itong ibaba sa Alert Level 3.

Nabatid na hanggang sa 30 ng Setyembre mananatili sa Alert Level 4 ang NCR.

Facebook Comments