Palasyo, hindi pa tiyak kung hihirit ng supplemental budget sa Kongreso

Hindi pa buo ang desisyon ng Palasyo kung hihirit sa Kongreso ng supplemental budget kaugnay pa rin sa nararanasang krisis dulot ng Coronavirus pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala pa silang desisyon pero posibleng ngayong linggo ay masabi na ni DBM Secretary Wendel Avisado kung magkano ang mga uncommitted funds na pu-pwedeng irealign ng executive branch, nang sa ganon ay kanilang malalaman kung magkano ang kakailanganing supplemental budget.

Masusi din aniya itong pinag-aaralan sa ngayon ng Economic Development Cluster at ng Development Budget Coordination Committee.


Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Law, pinapayagan si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-realign ng P275 billion funds sa ilalim ng P4.1 trillion 2020 national budget.

Una nang sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez, mula sa P4.1T na pondo ngayong taon ay nasa halos P400B na ang nagagastos ng pamahalaan bilang COVID-19 responce funds.

Malaking porsyento dito ay napunta sa Social Amelioration Program (SAP) na nagbibigay ng lima hanggang 8,000 pisong tulong pinansyal sa 23 low income families sa buong bansa.

Facebook Comments