Palasyo, hindi pabor sa shame campaign pero suportado ang lawful warrantless arrest

Hindi sang-ayon ang Malacañang sa mungkahing shame campaign laban sa mga lumalabag sa quarantine protocols.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring gawin ang warrantless arrest sa quarantine violators basta nasusunod ang rules of court.

Giit ni Roque, ang pagpapahiya sa mga quarantine violators ay malalabag ang batas na nagpoprotekta sa privacy rights ng bawat indibidwal.


Kinikilala rin ng Palasyo ang mga ordinansang ipinapatupad ng bawat lokal na pamahalaan para sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restrictions.

Una nang nilinaw ni Interior Undersecretary Martin Diño na ang shame campaign ay nakatutok lamang sa mga matitigas na ulong residente at hindi sa COVID-19 patients.

Facebook Comments