Maaaring panatilihin ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung magbibigay lamang ang Estados Unidos ng isang “satisfactory” na paliwanag ukol sa nangyaring standoff sa Panatag Shoal sa West Philippines Sea (WPS) noong 2012.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Estados Unidos ang dahilan kung bakit nawala sa Pilipinas ang nasabing bahura at napunta sa China dahil sa kawalang aksyon nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may kakaunting pag-asa na makukumbinsi si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ibasura ang VFA kung makatwiran ang paliwanag ng US.
Kapag nabigo ang US na magbigay ng maayos na paliwanag hinggil sa insidente ay pwedeng mauwi sa tuluyang pagkakabasura sa military agreement.
Facebook Comments