Hinikayat ng Malacañang ang mga local government units (LGUs) na ipagpatuloy ang paggamit ng kanilang digital contact tracing system sa pamamagitan ng StaySafe application.
Ito ay hanggang sa makabuo ang national pandemic task force ng bagong resolution para sa optional use ng app.
Matatandaang sinabi ni Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Malagong, ang paggamit ng StaySafe app ay hindi na mandatory dahil sa system failure at iba pang isyu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kasalukuyang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay dapat pa ring sundin.
Aniya, patuloy pa ring kinikilala ang StaySafe app bilang contact tracing app sa bansa.
“The directive for all LGUs to integrate their systems with the StaySafe app remains. Again, unless this is changed, it remains the pertinent IATF resolution,” sabi ni Roque.
Ang StaySafe app ay ang digital contact tracing app na pinili ng pamahalaan para sa mandatory na paggamit sa lahat ng national government agencies at LGUs.