Palasyo, hinikayat ang mga LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta ng bakuna

Pinayuhan ng Palasyo ang mga alkalde sa Metro Manila na magpasa rin ng ordinansa na nagpaparusa sa mga mahuhuling magbebenta ng bakuna maging ng vaccination slot.

Ito ay makaraang makatanggap ng ulat ang mga otoridad na nangyayari ang bentahan ng vaccination slot at bakuna sa Mandaluyong at San Juan city.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, dapat tumulad ang ilang Local Government Units (LGU) kay Manila Mayor Isko Moreno na nagpasa na ng ordinansa sa lungsod ng Maynila.


Paliwanag ng kalihim, libre ang bakuna. Bawal itong ibenta dahil wala pa ni-isa rito ang mayroon nang commercial use authorization.

Tanging Emergency Use Authorization (EUA) pa lamang ang mayroon ang mga bakuna sapagkat hindi pa tuluyang natatapos ang kanilang phase 3 clinical trials.

Sa nasabing Manila City Ordinance No. 8740, ipinagbabawal ang pag-manufacture, sale, and proliferation ng COVID-19 vaccines.

Ang mga lalabag dito ay pagmumultahin ng P5,000 at makukulong nang hanggang 6 na buwan.

Facebook Comments