Palasyo, hinimok ang Kongreso na ipasa ang prangkisa para sa motorcycle taxis

Hinimok ng Malacañang ang Kongreso na ipasa ang batas na magbibigay ng prangkisa sa motorcycle taxis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ginawa na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagrekomenda nito sa Kongreso na muling isagawa ng Angkas at iba pang motorcycle hailing service ang pilot study.

Umaasa si Roque na palalawigin ng Kongreso ang pilot study para motorcycle taxis.


Mas mainam aniya kung gagawaran na lamang ng Kongreso ng prangkisa ang mga motorcycle taxis.

Una nang sinabi ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na kailangang bumuo ng Kongreso ng batas upang may legal na basehan ang pagpapahintulot ng ganitong transportation service.

Facebook Comments