Palasyo, hinimok ang publiko na mag-invest sa “Premyo Bonds”

Hinimok ng pamahalaan ang publiko na ikonsidera ang pag-invest sa second round ng ‘Premyo Bonds’ o lottery bonds.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga interesadong buyers ay maaaring mag-invest sa government securities kahit sa halagang 500 pesos at may tiyansang manalo ng papremyo.

Magbibigay rin ito ng mataas na yield para sa mga investors, kumpara sa mga regular bank deposits.


Ang P500 na investment ay katumbas ng isang entry sa raffle draw kada quarter.

Ang one-month bond offer ay inorganisa ng Bureua of Treasury para i-angat ang pondo ng gobyerno na ilulunsad bukas, November 11 at magtatagal ito ng isang buwan o hanggang December 11.

Pagtitiyak ni Roque na ang Premyo Bonds ay hindi lamang abot-kaya kundi credit risk-free dahil nakapaloob ito sa ilalim ng gobyerno.

Maaaring i-avail ng publiko ang Premyo Bonds sa mga awtorisadong selling agents o sa pamamagitan ng website ng Treasury Bureau.

Ang Premyo Bonds ay inilunsad noong November 2019 para makalikom ng ₱3 billion para sa iba’t ibang government projects tulad ng housing, education at healthcare.

Facebook Comments