Palasyo, humingi ng pang-unawa sa pagpapatupad ng 10-person limit sa religious gatherings

Umapela ang Malacañang ng pang-unawa sa publiko dahil sa pagpapatupad ng pamahalaan ng 10-person limit sa religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirekomenda niya na magsagawa na lamang ng online religious services.

Iginiit ni Roque na mabilis ang hawaan ng COVID-19 sa mga mass gathering.


Pero tiniyak naman niya na hindi ito “forever.”

Una nang sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ‘illogical’ ang 10-person limit sa religious services gayung pinapayagan ang mga business establishments tulad ng mga restaurants sa mataas na kapasidad.

Facebook Comments